OFFICE: Bad Experience

Hayy, nakakapagod, ang dami nilang pinagawa sa akin, may nagpagawa pa sa akin ng project na buong puso ko namang ginawa. Maliban doon, may mga responsibilidad pa ako sa organization na hawak ko kaya talagang ngaragan ako. Ang lamig dito sa office, kasalukuyan akong nagbabasa ng mga article ng mga member ko, ano ba ‘to, ang sarap ipabalik sa gumawa, total revision ang kailangan, pero kailangan na ‘tong madaliin. Pagsabihan ka ba naman ng mga salitang hindi maganda, pati mga member mo pagsabihan ba naman, hindi ka ba magmamadali para matapos ‘to. Ang panget lang kasi, pagnagmamadali nawawala yung kalidad ng output at content. Pero ano bang choice ko, kelangan kong sumunod sa demand ng kung sinong tao daw na hindi naman kasama sa nagbayad ng student publication fee.

Gabi na, well hindi pa gabi, madilim lang kasi nga may bagyo. Wala nang tao dito sa office, nakakatakot pero no need to worry, meron pang mga bag sa iba’t ibang table dito na para bang bagage counter sa mall (iwanan ng gamit), palatandaan na may tao pa, lumabas lang siguro sila saglit para magliwaliw. Sumasakit ang ulo ko, napintig, ano ba yan, yuyuko muna ako, at ikaw na nagbabasa nito, paki-gising ako pag may tao na, nakakahiya baka abutan nila akong naglalaway.

Tahimik.. medyo malamig pa rin ang pakiramdam ko. Nag-isip ako, alam kong nasa office pa rin ako, ayoko pang umupo ng maayos, nakakahiya, baka may laway pa sa gilid ng labi ko. Dumilat ako habang nakayuko, susubukan kong alamin kung may tao. Nasa dulo kasi ang table namin kaya medyo okey din, oras na para makiramdam. Teka, nakadilat na ba ako? Bakit madilim? Napabalikwas ako ng upo, hala! Madilim na yung kwarto. Biglang bumalot ang takot at kilabot sa katawan ko. Kinuha ko yung bag ko at dali-daling tumakbo papunta sa pinto, sobra na ‘tong kilabot ko lalo na nung parang may humahaltak sa likod ng bag ko, bumulong ako, “Lord, please naman paki-guide po ako..”. Pwersahan kong hinila yung bag ko, naka-bag pack ako kaya imposibleng sumabit ako sa kung ano lang. Pumikit ako ng mariin, writer ako, ang isip ko ay gumagana, ang imagination ko nakakaisip ng kung ano-anong nakakatakot, oh my.. oh my.. oh my!! Napasigaw ako, “Manong guard!” nung kinapa ko yung likuran ng bag ko may nahawakan akong magaspang na bagay, may nakakapit sa bag ko!Kailangan kong kumilos, ano ba ‘to! Naiisip ko talaga lahat ng kababalaghang kwento tungkol sa school na ‘to. Yung white horse, batang naglalaro sa lobby at si shomba naiisip ko. Hindi ko pa talaga napapanood yung coming soon na horror movie kaya lang naikweto kasi yun ng kapatid ko sa akin, ganun talaga ang writer, malawak ang imagination.

Hindi ko na kinaya, tinanggal ko sa pagkakasukbit yung bag ko at dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto, paglapit ko sa pinto, naramdaman kong may kumapit naman sa likuran ng blouse ko, aba nakakaloka na ‘to, kahit takot na takot na ako, buong lakas kong tinanggal yung pagkakakapit ng kung sinoman sa blouse ko, dry ng kamay na nahawakan ko na sobrang kulubot na may dry na sugat sa kamay. Sa wakas, parang ang layo ng pinto pero nakarating din ako, anak naman ng horror house  ohh, sarado! Hindi ko mabuksan!! Sumigaw ako, as in tumili na ako sa sobrang takot, kasehodang mag-eskandalo ako, pa’no nangyaring sarado yung pinto ehh nasa loob ako ng office at nasa loob dapat yung lock!

Naramdaman ko ang paggapang ng kilabot sa likod ko kasi naramdaman ko na may dahan-dahang lumalapit sa akin. Nag-inhale exhale ako, at mariing pumikit. Nag-isip ako, wala akong maisip, hindi ko na kaya, dagdag pa na may hininga akong naririnig sa gilid ng tainga ko. Umisod ako sa sulok, dun sa pinaglalagyan ng basurahan dito sa office, ayun nga!

Nandun yung may pangit at kulubot na mukha at sa mismong ulo n’ya ay may malaking hiwa, yung mata niya, dilat na dilat, tapos nakasuot s’ya ng pang sayaw, yung parang sinusuot ng dance sport tuwing magpe-perform sila.

Kumilos yung nilalang sa harap ko, dahan-dahan na parang gumagapang na ewan. Napalunok ako ng maige, huminga ako ng malalim at sinabing, “Wag po, tama na, natatakot na ako.. Mama!” sigaw ko sabay suksok maige sa sulok, sumigaw ako ng sumigaw. “Manong guard, manong!”.

“Kuree, kuree.. gising na.” Narinig kong tawag sa akin. Napabalikwas ako ng upo, nakita ko si manong guard. “Nakatulog ka na, gabi na, nagsi-uwi na mga tao dito. Umuwi ka na rin at isasara ko na ‘tong office.” Ayun, hindi na ako umimik, alam kong bad breath ako kasi nga kakagising ko lang, inayos ko lahat ng gamit ko at dali-daling lumabas ng office. Pinauna ako ni kuya sa paglabas ng office, hindi ko mabuksan yung pinto, naka-lock. Naalala ko yung panaginip ko, nakakatakot. “Bakit po naka-lock?” tanong ko kay kuya, sabay lingon sa likod ko. “Ooh no, walang tao!”.Image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s